^

Police Metro

Budget ni Deles na P7.8-B ipagawa na lang ng tulay sa Mamasapano

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipatayo na lang ng tulay sa ilog ng Mamasapano kung saan napatay ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ang P7.3 bil­yon budget ngayong 2015 ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles.

Ito ang naging hamon ni Senator Ralph Recto at hiniling na dapat palitan ang nasabing tulay dahil magi­ging simbolo lamang ito ng kapabayaan ng gobyerno.

Para sa 2015 ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP)  ay may budget na P490 milyon.

Subalit, kontrolado rin ng tanggapan ni Deles ang nasa P7.3 bilyong halaga ng pondo para sa 12 ahensiya na nasa ilalim ng progra­mang tinatawag na PAMANA o “Payapa at Masaganang Pamayanan.”

Ang PAMANA ay isang “unitemized lump sum” sa national budget” kung saan may kalayaan ang OPAPP kung saan ito ilalagay.

Naniniwala si Recto na dapat tapatan ng gobyerno ng mga proyekto ang intensiyon na matigil ang kaguluhan sa Mindanao.

IPATAYO

MAMASAPANO

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER

PEACE PROCESS

PEACE PROCESS TERESITA DELES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

PRESIDENTIAL ADVISER

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with