^

Police Metro

Lacson nagretiro na bilang ‘Yolanda’ rehab czar

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal nang tinapos kahapon ni dating senador Panfilo Lacson ang kanyang isang taong pag-upo bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR).

Idiniin ni Lacson sa kanyang pahayag na sa harap ng mga banta ay dapat magkaisa ang mga mamamayan at tunay na umaksiyon. “Ang tero­rismo ng mga jihadist at kalamidad sanhi ng climate change ay maaaring tumama sa atin anumang oras nang walang warning o babala,” diin ni Lacson. “Kaya dapat maging handa ang ating gobyerno para protektahan ang lahat ng Pilipino mula sa anumang banta sa kanilang buhay at ari-arian, gawa man ng tao o ng kalikasan.

Inirekomenda rin ni Lacson sa gobyerno na dapat nang bumuo ang gobyerno ng isang ahensiya para sa mga kalamidad batay sa ibinigay niyang Comprehensive Rehabilitation & Recovery Plan noong Agosto 1, 2014 na may nakapaloob na P167.8-B budget na tutus­tos sa 18,648 proyekto at inaprubahan ng Pangulo noong Oktubre 2014.

“Ang pagbibigay halaga sa kapakanan ng ating mga kababayan ang na­ging pangunahing dahilan kung bakit tinanggap ko ang posisyon kahit walang kapangyarihang magpatupad ng anumang proyekto at walang budget,” ani Lacson.

AGOSTO

COMPREHENSIVE REHABILITATION

IDINIIN

INIREKOMENDA

LACSON

PANFILO LACSON

PRESIDENTIAL ASSISTANT

RECOVERY PLAN

REHABILITATION AND RECOVERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with