^

Police Metro

12-M Pinoy walang trabaho

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Itinuturing na pinakamataas na bilang ang 12.4 milyon Pinoy na walang trabaho simula noong Dis­yembre 2013.

Ito ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng  Social Weather Station (SWS) nitong nakalipas na Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1,2014  na umabot sa 25.2 percent o 12.4 milyong Pinoy ang nanatiling jobless sa 4th quarter ng 2014 matapos tanungin ang 1,800 respondent nationwide na mas mataas kumpara sa nakalipas na Disyembre 2013  survey na 27.5 percent.

Kaugnay nito positibo naman ang mga Pilipino na makakahanap din sila ng trabaho sa taong ito kung bababa ang unemployment rate sa bansa.

Sinabi naman ng SWS na ang net optimism sa job vacancies ay tataas ng 4 percent  mula sa positive 12 ay tataas ito ng positive 16 sa third quarter, subalit mananatili ang rating sa pantay na kategorya.

Ayon pa  SWS na ang mabagal na pagtaas ng gross domestic product (GDP) mula sa 7.2 percent ng 2013 hanggang sa 6.1 percent  ng  2014 ang nagresulta ng unemployment rate nitong 2013 at 2014.

Kinokonsedera ng SWS na ang taong may trabaho ay yung nagtatrabaho kabilang  ang unpaid family members habang  ang mga jobless  naman ay yung mga walang trabaho, hindi nagtatrabaho kabilang dito ang housewives, estudyante at iba pa.

AYON

DISYEMBRE

ITINUTURING

KAUGNAY

KINOKONSEDERA

PINOY

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with