^

Police Metro

Lineman tigok sa killer bus

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang lineman ng CASURECO (Camarines Sur Electric Cooperative nang mabundol  at makaladkad pa ng rumaragasang pampasaherong bus ang minamaneho nitong tricycle sa Maharlika highway, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

 Ang  nasawing biktima ay si Wilfredo Calisura, 43, lineman ng CASURECO 1 at residente ng Zone 5, Brgy. Bagumbayan ng bayang ito.

Ang insidente ay naganap sa kahabaan ng nasabing highway dakong alas-11 ng gabi, kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang  Suzuki tricycle (6409 EX) at bumabaybay sa nasabing highway ng suwagin ito ng kasalubong na Elavil passenger bus (TYX 418) na minamaneho ni Ro­naldo Magana, 56.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nayupi ang nasabing tricycle at nagtamo ng matinding pinsala ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan. Agad naman na ikinulong ang suspek.

vuukle comment

BAGUMBAYAN

BRGY

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR ELECTRIC COOPERATIVE

ELAVIL

LIBMANAN

MAGANA

MAHARLIKA

WILFREDO CALISURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with