PNP nagdeklara ng gun free zone sa 9 lugar
MANILA, Philippines - Upang tiyakin ang seguridad sa loob ng limang araw na pagbisita ni Pope Francis sa bansa ay siyam na lugar ang idineklarang firearms free zone ng Philippine National Police (PNP).
“The PNP will strictly enforce a prohibition on the carrying of firearms in all areas of activity du-ring the 5-day Apostolic Visit of His Holiness Pope Francis as an added measure to ensure the safety and security of the national event”, pahayag ni PNP Public Information Office P/Chief Supt. Wilben Mayor.
Ang mga ruta at ‘areas of engagement’ ni Pope Francis at ng ‘official entourage nito ay kabilang sa idineklarang ‘firearms free zones’ ay ang Nunciature Area sa Taft Avenue, Manila; palasyo ng Malacañang, Manila Cathedral, SM Mall of Asia Arena; Villamor Airbase, Pasay City; University of Sto. Tomas; Quirino Grandstand; Tacloban City at Palo, Leyte.
Samantala, sa ilalim ng Seksyon 7.11.2 Rule II ng Comprehensive Firearms and Ammunition Law at ng Implementing Rules and Regulations (IRR) mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdi-display ng mga armas. Ang baril ay dapat nakatago sa loob ng behikulo o compartment ng motorsiklo.
- Latest