Ayaw papuntahin sa abroad… bebot dedo sa ka-live-in

MANILA, Philippines – Tila mas ninais ng isang 26-anyos na lalaki na magtungo sa kamatayan ang kanyang live-in partner matapos na barilin nito ang huli dahil hindi mapigilang magtrabaho sa ibang bansa, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang  biktimang dead-on-arrival sa Pascual General Hospital ay nakilalang  si Darlin Juan, residente sa no. 14 Mang David St., Pascual Subdivision, Baesa  habang ang suspek na si Kristopher Benedicto, 26, walang trabaho.

Sa ulat ng pulisya nangyari ang insidente, ganap na alas-5:00  ng umaga sa kuwarto ng mag-live in na matatagpuan sa nasabing lugar, kung saan bigla na lang nakarinig ng ma­lakas na putok ng baril mula sa kuwarto ng mga ito ang kapatid ng suspek na si Katrina Montemayor.

Nang kanyang puntahan ang kuwarto para malaman ang dahilan ng ingay ay nakita niya  sa lapag ang biktima na duguan.

Ayon sa pulisya nagtalo umano ang mag-live-in partner dahil ayaw ng suspect na mag-abroad ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang sentido. Patuloy ang im­bestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

Show comments