^

Police Metro

Nakuryente dahil sa langaw…. BFAR employee patay, 1 kritikal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahilan sa pangunguryente ng mga langaw, patay ang isang empleyado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang kritikal ang kasamahan nito nang aksidenteng makuryente  sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.

Idineklarang dead on arrival sa Laurel Memorial Hospital ang biktimang si Domingo Brio habang patuloy namang nilalapatan ng lunas si Sonny Catarnin; pawang stay-in na manggagawa sa BFAR.

Sa ulat ng Batangas Police, naganap ang insidente ganap na alas-11:30 ng umaga sa Brgy.  Ambulong, Tanauan City ng lalawigang ito kung saan mabilis na ini-report sa mga otoridad ni Lenny Lawang Brio ang pagkamatay ng biktima.

Base sa imbestigasyon, nagkasundo ang dalawa na manghuli ng langaw  sa pamamagitan ng pangunguryente ngunit paglusong ng mga ito sa tubig ay ang malakas na boltahe ng kuryente ang sumalubong sa mga ito.

Nagawa pang maisugod ang dalawa sa pagamutan pero nabigo ng mailigtas ang isa sa mga ito.

AMBULONG

BATANGAS

BATANGAS POLICE

BRGY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DOMINGO BRIO

LAUREL MEMORIAL HOSPITAL

LENNY LAWANG BRIO

SONNY CATARNIN

TANAUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with