Pasahero sa LRT at MRT dagsa pa rin

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT na ipinatupad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ay dagsa pa rin ang mga pasahero kahapon sa unang araw ng trabaho at eskwela.

Nabatid na mahaba pa rin ang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng  LRT at MRT sa Metro Manila.

Sa Santolan MRT-Station ay uma­bot pa hanggang sa kalsada ang pila na nagnanais sumakay ng MRT kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Karamihan sa mga naka­pila ay mga estudyante at mga manggagawa na  nagnanais na mabilis na makarating sa kanilang paaralan at trabaho.

 

Show comments