^

Police Metro

Opisyal ng army, 2 pa patay sa NPA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinamantala umano ng mga NPA rebels ang idineklarang unilateral ceasefire ng AFP nang pagbabarilin ang tatlong tropa ng pamahalaan kabilang ang isang opisyal ng Army kahapon ng umaga sa Brgy. Candinuyan, Mabini, Compostela Valley.

Sa ulat ni Lt. Vergel Lacambra, Spokesman ng Army’s 10th ID ang mga nasawi ay tinukoy sa pangalan na Lt. Bautista, Pfc. Amor at CAA Ronel Baluca ng Army’s 71st Infantry Battalion.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga ay magkakaangkas sa motorsiklo ang tatlo at  patungo sana sa Brgy.Antipan ng bayang ito para sa kanilang Christmas break nang harangin ng mga rebelde at pagbabarilin.

Nagresponde sa lugar ang tropa ng Army’s 71st IB at narekober ang bangkay ng tatlong biktima na pawang tadtad ng mga tama ng mala­lakas na kalibre ng armas sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang AFP ay nago-obserba sa idineklarang 1 buwang unila­teral ceasefire sa NPA rebels na nag-umpisa noong Disyembre 18, 2014  ng hatinggabi at tatagal hanggang Enero 19 ng susunod na taon.

Habang ang Communist Party of the Philippines (CPP) ay 10 araw lang na tigil putukan mula Disyembre 24, 25 at 26 at mula Disyembre 31, 2014 at Enero 1, 2005 para sa kapaskuhan at mula naman Enero 15 hanggang 19 ng susunod na taon.

ANTIPAN

BRGY

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

COMPOSTELA VALLEY

DISYEMBRE

ENERO

INFANTRY BATTALION

RONEL BALUCA

VERGEL LACAMBRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with