MANILA, Philippines – Kahit matapos ang holiday season ay nananatiling sapat ang suplay ng manok at baboy sa bansa.
Ito ang ipinahayag ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño kahit pa tumaas ang demands nitong nagdaang Pasko at sa darating na Bagong Taon.
“In our market visits, we have proven that we can expect abundant supply before the year ends, and more in the first quarter of next year as the demand decreases,” dagdag ni Reaño.
Ayon pa kay Reaño na karamihan din sa mga retailers na nagbebenta ng manok at baboy ay akma sa itinakdang presyo ang mga paninda lalu na sa mga palengke batay sa anyay ginawa nilang paglilibot sa mga pamilihan.
Ang halaga ng pork liempo ay P185, samantalang ang presyo ng manok ay P135 kada kilo.