‘Pupil’ ginahasa ng seminarista

MANILA, Philippines - Arestado ang isang guro at dating seminarista nang ireklamo ng rape ng kanyang estudyante sa isinagawang follow-up operations ng pulisya sa Imus, Cavite City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Ro­nadel Bedia at naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Trece Martirez Regional Trial Court Branch 23 dahil sa kasong rape.

Bandang alas-9 ng gabi ng masakote ang suspek sa tinitirhan nito sa Lime St., ACM Homes, Phase 1, Alapan 1A, Imus ng lungsod dahil sa reklamo ng mga magulang ng biktimang nakilala lang sa pa­ngalang Nanette, grade VI at estudyante ng suspek.

Lumilitaw sa im­bestigasyon na nagsi­mula ang panghahalay ng suspek sa biktima noong Marso 2013 sa kabila ng pag-iyak at pagmama­kaawa ng biktima sa kaniyang guro na tinakot pa itong ibabagsak sa klase kapag hindi pumayag at papatayin.

Napilitan naman ang mga magulang ng biktima na dalhin ang anak sa Amerika matapos itong mabuntis para doon manganak ng isang batang babae bunga ng sinapit nito sa kamay ng suspek.

Samantalang upang makamit ang hustisya sa pagkapariwara ng anak ay itinuloy ng mga magulang ng biktima ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa suspek na noong una ay nagtago sa batas hanggang sa masakote kamakalawa.

Show comments