BIFF Commander napatay sa sagupaan

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang Commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasawi nang makasagupa ang tropa ng mga sundalo nang atakehin ang isang military detachment sa Shariff Aguak, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ni Captain Jo-ann Petinglay, Public Affairs Officer ng Army’s 6th Infantry Division ang nasawi sa alyas lamang nitong Commander Kamote.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng Army’s 45th Infantry Battalion (IB) ang grupo ni Commander Kamote sa Brgy. Labo-Labo sa nasabing bayan.

Nabatid na bigla na lamang pinaputukan ng mga rebelde ang detachment ng Army’s 45th IB na mabilis namang pumosisyon ang mga sundalong nagbabantay rito.

Sa palitan ng putok ay nasapul ng tama ng bala si Kamote na binawian ng buhay habang mabilis namang nagsitakas ang iba pang miyembro ng grupo.

 

Show comments