^

Police Metro

Basurero dedo sa kaaway na sekyu

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa muling pagkrus ng landas ng isang sekyu at garbage collector ay tinapos na nila ang kanilang alitan nang barilin ng una ang huli kamalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang biktima na idinek­larang dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa tama ng bala sa dibdib ay kinilalang si Noriel Tallada, 18, binata,  ng  Apelo St., ng lungsod.

Arestado naman ang lalaking suspek na si Julia Perena, 26, sekyu ng MVP Manila Security Agency at nakatira sa Twin Pioneer St., Bo. Santo Niño ng lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi sa entrance gate ng Galeria Mall, Baclaran Pasay City ay kasalukuyan naglalakad ang biktima upang mangolekta ng basura nang makita ito ng suspek at dambahin ng dalawang beses na suntok sa mukha.

Nanlaban ang biktima at sa  kalagitaan ng kanilang pagpapambuno ay binunot ng suspek ang baril at  pinaputukan ang una na tinamaan sa dibdib.

Batay sa imbestigasyon na may galit ang suspek sa biktima nang ito ay aksidenteng tamaan ng bola ng huli sa mukha nang ito ay  nakipaglaro ng basketball sa harap ng gate din ng nasabing mall.

Sumuko sa mga pulis ang suspek na nakatakdang kasuhan ng  murder.

vuukle comment

APELO ST.

BACLARAN PASAY CITY

GALERIA MALL

JULIA PERENA

MANILA SECURITY AGENCY

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SANTO NI

TWIN PIONEER ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with