MANILA, Philippines – Sa kabila ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Ruby ay nasunog ang grocery section ng isang palengke sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Umaabot sa P10 milyon ang naabong mga goods ng grocery section. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) V, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang masunog ang grocery section ng Building 2 sa nasabing pamilihang bayan. Nagulantang na lamang ang mga residente rito ng makitang nilalamon ng apoy ang palengke.