MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aberya sakaling may sakuna tulad ng bagyo ay hinikayat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mag-download ng mga mobile application na may kinalaman sa weather forecasting.
Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA na malaki ang maitutulong sa paghahanda ng publiko kung may bagyo kapag may Project Noah at Arko apps sa cellphone.
Sa pamamagitan ng Project Noah, makikita ang weather updates at malalaman ang lokasyon ng bagyo at iba pang impormasyon mula sa PAGASA habang ang Arko naman ay magbibigay ng specific na lugar na posibleng bahain o binabaha na.
Bagamat ang radyo at tv pa rin ang accessible na makukunan ng impormasyon kailangan pa rin ng publiko partikular ng mga taong nasa labas ng bahay, opisina at trabaho ang mobile application para makuha ang updates sa sama ng panahon upang maiwasan ang sakuna.