Ingco hinamon ng MMDA na magpa-lie test

MANILA, Philippines – Hinamon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang negosyanteng si Joseph Russel Ingco na siyang gumulpi sa traffic enforcer na si Constable  Jorbe Adriatico kamakailan na magpa-lie detector test upang malaman kung nagsisinungaling ito o nagsasabi ng totoo.

Ayon kay Tolentino na mukhang nagsisinunga­ling si Ingco para mapagtakpan ang ginawa nitong kasalanan kaya’t hihilingin nila sa LTO na i-revoke ang driver’a license nito.

Nakatakdang isailalim sa operasyon si  Adria­tico  dahil sa fracture ang bahagi ng ilong nito na ang gastos ay sasagutin ng MMDA.

Show comments