Tatay patay sa pagtanggol sa anak
MANILA, Philippines – Dead -on-arrival sa ospital ang isang 61-anyos na tatay nang mauntog ang ulo nito sa semento matapos suntukin ng isang lalaki na sinita nito sa panghihipo sa anak na babae naganap sa Quezon City, kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Elpidio Reyno, may-asawa, retiradong kawani ng PLDT. Habang naaresto naman ang suspek na si Teddy Peña, 45, may-asawa, negosyante.
Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa no. 57 Davao St., Brgy. Alicia, Bago Bantay ay nagsumbong si Ruth Regine Reyno, sa kanyang tatay dahil sa panghihipo ng suspek sa pribadong parte ng kanyang katawan.
Nang komprontahin ng biktima ang suspek ay agad na sinuntok ito sa mukha at itulak dahilan para bumuwal at tumama ang ulo sa semento at mawalan ng ulirat.
Tumulong ang isang anak ng biktima na si Ram Raejah, subalit siya rin ay sinuntok ng suspek.
Nagsipagdatingan ang mga barangay tanod at inaresto ang suspek.
- Latest