^

Police Metro

51,000 lugar sa bansa magkakalibreng Wi-Fi

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - APRUBADO na sa Senado ang pondo para sa paglalagay ng libreng Wi-Fi sa 51,000 lugar sa bansa sa 2015.

 Kasama sa inaprubahang budget ng Department of Science and Technology para sa 2015 ang P3 bilyon na ilalaan para sa Public Wi-Fi Prog­ram ng DOST.

 Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang Se­nate Finance Committee ang nagrekomenda na itaas ang pondo mula sa P338 milyon ay ginawang P3 bilyon upang mas mara­ming lugar ang masakop ng libreng Wi-Fi na inaasahang mapapa­kibangan ng mga ordinar­yong mamamayan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman katulad ng mga magsasaka.

 Kapag naipatupad na ang programa, magkakaroon ng Wi-Fi service sa nasa 7,917 public high schools, 38,694 public elementary schools, 113 state colleges, 1,118 public libraries, public spaces sa 1,490  bayan. Maging ang 895 provincial, regional hospitals, at mga  government-run medical centers sa Metro Manila.

 Ayon kay Recto, makikinabang din sa panukala ang mga may kamag-anak na mga overseas Filipino workers (OFWs) dahil maging ang Public Employment Offices  para mas madaling makahanap ng trabaho ang publiko.

 Lalagyan din ng free Wi-Fi ang nasa 85 airports, 41 seaports at 69 LRT, MRT at PNR stations.

 Naniniwala si Recto na mahalaga ang libreng Wi-Fi lalo sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa ikatlong linggo ng Ene­ro samantalang darating din sa bansa si Russian leader Vladimir Putin at nasa 20 iba pang Paci­fic Rim leaders para sa APEC Leaders’ Summit sa Nobyembre.

 Inaasahan naman maipapasa ng Senado ang pambansang budget para sa 2015 kung saan nakapaloob ang pondo para sa libreng Wi-Fi bago matapos ang taon.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

FINANCE COMMITTEE

METRO MANILA

PARA

POPE FRANCIS

PUBLIC EMPLOYMENT OFFICES

WI-FI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with