MANILA, Philippines – Upang mas lumaki ang take home pay ng mga ordinaryong empleyado ay inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas sa P82,000 ang tax exemption cap ng 13th month pay iba pang benepisyo
Ang inaprubahang P82,000 na tax exemption cap ay mas mataas mula sa orihinal na panukalang isinulong ni Senator Juan Edgardo Angara na P75,000.
Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang naggiit na mas makakabuting itaas pa sa P82,000 ang tax exemption ng 13th month pay at iba pang benepisyo.
Sinabi ni Angara na mismong si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang nagsabi sa isang hearing sa Senado na ang P30,000 noong 1994 ay katumbas na ngayon ng P82,000 kaya tinanggap niya ang amendment ni Recto.
Ipinaliwanag naman ni Recto na ang nasabing figure ay mula mismo sa National Economic Development Authority base sa inflation rate nitong October 2014.