^

Police Metro

Habang nagmamando sa kalsada… pulis-trapiko itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang miyembro ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit nang pagbabarilin  habang nagmamando ng trapiko at nag-aantabay sa pagdaan ni Manila Mayor Joseph Estrada, sa Legarda, Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril ang biktimang  si PO3 Ro­naldo Flores Y Reyes, 46, may asawa, ng no. 439 F. Herbosa St., Tondo, habang patuloy na iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng nag-iisang gunman na nakasuot ng puti na t-shirt, bull cap at armado ng di batid na kalibre ng baril.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:00-7:45 ng gabi sa southbound lane  ng  Legarda st, malapit sa panulukan ng C.M. Recto Ave­nue, sakop ng Quiapo.

Sinabi ng mga saksi na kinabibilangan ng tatlong tauhan ng Manila Traffic and Par­king Bureau sina Joseph Lansa­ngan, 48;  Teodoro Tomas, 46; at Raymond Tan, 34,  na habang abala sila sa pag-antabay sa pagdaan ni Estrada nang biglang sumulpot ang di umano’y suspek at pinagbabaril ang biktima sa likod, dibdib at malapitang binaril sa sentido, habang naiwan ang Yamaha Mio 125 CC ng biktima sa kalsada.

Gayunman, isinasailalim na ngayon sa malalim na imbestigasyon ang nasabing kaso at kasalukuyang naka­lagak sa St. Rich Funeral Services ang bangkay ng biktima.

FLORES Y REYES

HERBOSA ST.

JOSEPH LANSA

LEGARDA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MANILA TRAFFIC AND PAR

RAYMOND TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with