2 karnaper naaresto

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga otoridad ang  dalawang karnaper ng motorsiklo at tricycle sa magkahiwalay na insidente  sa Caloocan City kamakalawa.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Jerickson Cueto, 22, jobless, ng no. 2006 Katamaan St,, Brgy. 23, Tondo, Maynila at Virgilio Pascual, alyas Bacotoy, 39, Sampalukan, Phase 9, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat, nahuli sa akto ni Dante Sotto, 37, ang suspek na si Cueto habang tangkang tangayin ang kanyang Honda Wave motorcycle (XI 1851) sa tapat ng kanyang bahay sa may MH Del Pilar Street, 4th Avenue, Brgy. 11, ng naturang lungsod na naharang ng mga nagpapatrulyang barangay tanod at nadakip.

Naaresto naman ang suspek na si Pascual nang ireklamo ni Wontychy Saim na tumangay ng kanyang tricycle na ipinapasada nito noong Nobyembre 6.

Inaresto sa operasyon ng anti-carnapping unit si Pascual sa kanyang tirahan.

Show comments