Alitan sa lupa: Mister inatado ng pinsan

MANILA, Philippines -Mistulang tinadtad na parang karne ang katawan ng isang 37-anyos na lalaki nang ito ay pagtatagain ng kanyang pinsan matapos na magtalo sa pinag-aagawang lupa na naganap kamakalawa sa Molave, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Salug Valley Medical Center ay kinilalang si Ramil Monteverde.

Tumakas naman ang suspek na si Virgilio Monteverde Jr., nasa hustong gulang.

Sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi sa Brgy. Simata, Molave ay kasalukuyang nag-iinuman ang biktima at mga kamag-anak nito kasama ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa tungkol sa umano’y pinag-aagawan na lupa.

Sa gitna ng pagta­talo ay bigla na lamang binunot ng suspek ang dalang itak at walang habas na pinagtataga ang biktima.

 

Show comments