^

Police Metro

Bilang ng nakawan sa MM bumaba ng 12%-

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa bagong prog­ramang ipinapatupad ng pamahalaan ay bumaba ng 12 porsiyento ang bilang ng mga insidente ng nakawan sa Metro Manila.

Sa pinakahuling tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang 12 porsi­yentong ibinaba ng bilang ng nakawan sa MM ay naitala nitong nakaraang linggo lamang, mula sa 548 na kaso noong Oktubre 20-26, pababa sa 484 noong Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.

Sa kabila ng pangkalahatang pagbaba ng robbery at theft sa NCR, bahagyang tumaas naman ang bilang ng nasabing krimen sa lungsod ng Pasig, mula sa 12 kaso noong nakaraang linggo, umabot ito sa 22, ayon sa pinakahuling natala ng NCRPO.

Inirekomenda ni DILG Secretary Mar Roxas kay Gen. Carmelo Valmora, director General ng NCRPO, na repasuhin ang mga operasyon ng Pasig City Police Station.

Nais ni Roxas na iba­ba “rehiyon kada rehiyon” ang paggamit ng incident report form (IRF) upang higit na ma­ging epektibo ang kam­panya kontra krimen hindi lamang sa NCR kundi ma­ging sa ibang bahagi ng bansa.

 

CARMELO VALMORA

DAHIL

INIREKOMENDA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NOBYEMBRE

OKTUBRE

PASIG CITY POLICE STATION

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with