Bus sa EDSA-Pasay nagliyab

MANILA, Philippines – Isang pampasaherong bus ang natupok nang ito ay magliyab sa EDSA-Roxas Boulevard northbound sa tapat ng Heritage Hotel kahapon ng alas-6:00 ng umaga.

Hindi na mapapakinabangan ang biyaheng Grotto na Valisno Bus, na may plakang TXU 210, nang lamunin ng apoy.

Mabilis na nakapagresponde ang Pasay Fire Department at napatay ang apoy matapos ang kalahating oras.

Sugatan ang kanang kamay ng drayber ng bus na si Ronald Domingo nang tangkaing apulahin ang apoy.

Ayon kay Domingo, matapos nilang makaramdan ng pag-init sa loob ng bus, bigla na lamang na may pumutok.

Agad siyang sumi­gaw at pinababa ang mga sakay na pasahero na kaagad nakababa ng bus.

Sinisilip ng otoridad ang posibilidad na nag-ugat sa short circuit ang apoy.

Show comments