TF binuo sa nawawalang misis ng gobernador

MANILA, Philippines - Isang task force ang binuo kahapon ng pu­lisya upang hanapin ang nawawalang misis ni Camarines Norte Gov. Edgar “Egay” Tallado at kasama nitong kaibigan.

Ang Task Force Josie  ay siyang tututok sa kaso ng pagkawala ni Josefina “Josie” Tallado, misis ni Gov. Egay at kasama nitong si Darlene Francisco.

Layon ng misyon ng Task Force Josie ay maresolba sa lalong panahon ang kaso at mahanap ang misis ng gobernador at kaibigan nito.

Naging emosyonal si Gov. Egay pagharap nito sa media at umapela sa publiko na magbigay ng impormasyon sa sinumang may nalalaman sa kinaroroonan ng kaniyang asawa.

Nabatid na noong Oktubre 17 ng gabi  ay hindi na umuwi ang misis ng gobernador matapos itong magpaalam na magtutungo lamang sa bayan ng Bulan.

 

Show comments