^

Police Metro

Housing scam sa PagIBIG, ’di na mauulit - Binay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Vice President Jejomar Binay na hindi na mauulit ang housing scam na nadiskubre noong 2010 at patuloy ang ginagawang reporma ng pamahalaan sa Home Devevelopment Mutual Fund (PagIBIG).

Sa NCR Developer’s Forum, ipinaliwanag ni Binay na may mga nanamantala sa mahinang proseso na dating ipinatupad sa ahensya  na naging hamon sa kanya bilang namumuno ngayon na baguhin ang sistema. 

Aniya, nalampasan na ng sambayanan ang ma­ling proseso at tinitiyak nito na gagawin ng kanyang pamunuan na hindi na maulit ang aniya’y pagsasamantala sa pondo na ipinagkatiwala ng mga PagIBIG members.

Tinukoy ni Binay ang developer na Globe Asia­tique (GA) na unang natuklasan ng PagIBIG na umano’y gumamit ng mga dokumento at ghost borrowers upang makakuha ng may P6.6 bilyong loan sa PagIBIG Fund.

Kabilang sa reporma ng PagIBIG na ginawa sa pamumuno ni Binay ay ang sentralisasyon ng pag-apruba ng housing loan applications. 

Kumpara sa lumang sistema, ang PagIBIG Fund ay maaaring gumamit ng fixed “loan-to-value (LTV) ratio na maa­ring maging daan sa mga borrowers na makakuha ng mas malaking halaga ng loan o mauutang.

Sinabi ng Bise President na mas aayusin ang dokumentasyon ng loan applications. Ang pro­seso na inaasahang ipapatupad sa susunod na taon,  maaaring hindi na gumamit ng Contract-to-Sell at Deeds of Assignment at tanging ang Deed of Absolute Sale na lamang ang ipapalabas mai-isyu.

Sa nasabing hakbang, maayos at mapapabilis umano ang proseso ng housing loan applications, maaalis ang foreclosure proceedings at makakatipid ng oras at trabaho.

Sa bagong PagIBIG reforms, ang mga bagong miyembro ay maaari nang mag-aplay ng loan  kapag kaya nilang magbayad ng 24 buwang lumpsum contribution. (Ellen Fernando)

 

BINAY

BISE PRESIDENT

DEED OF ABSOLUTE SALE

DEEDS OF ASSIGNMENT

ELLEN FERNANDO

GLOBE ASIA

HOME DEVEVELOPMENT MUTUAL FUND

LOAN

PAGIBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with