Collateral damage iniingatan sa pagsagip sa German couple sa kamay ng Abu
MANILA, Philippines – Upang walang magiging collateral damage ay pinag-aaralan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang istratehiya sa opsyon nito upang iligtas ang mag-asawang Aleman sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.”We are trying to analyze the situation on how, or which is better rescue or negotiations…we were told that they are still alive then negotiations are continuous”.
Kinakailangan anyang mag-ingat ang tropa ng militar upang hindi mapahamak ang mga hostages.
Nitong linggo ay umapela ang mga bihag na mag-asawang Aleman na sina Stefan Viktor Okonek, 71 anyos at Herike Diesen, 55 anyos sa pamahalaan ng Pilipinas at Amerika na gumawa ng hakbang upang iligtas sila sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu na iniere sa isang radio station sa Zamboanga.
Ayon sa mag-asawang Aleman nahihirapan na umano sila sa kamay ng kanilang mga kidnappers sa pagpapalipatlipat ng lugar sa kagubatan at bukod dito ay bumagsak na rin ang kanilang kalusugan.
Ang mag-asawang Aleman ay dinukot ng mga bandido habang lulan ng yate sa karagatan ng Palawan noong Abril ng taong ito at itinago sa Sulu.
- Latest