^

Police Metro

FHM model hindi ‘EA’ ng PNP General

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano “EA” o Executive Assistant ni PNP Director for Plans Chief Supt. Alexander Ignacio ang FHM mo­del na si Alyzza Agustin matapos umamin ang huli na ang calling card ng he­neral na ginamit niya para makalusot sa paglabag sa number coding ay peke.

Ayon sa press statement na ipinadala ni Chief Supt. Ignacio na hindi ‘official business card’ ng PNP na niriri­prisinta ng kaniyang tanggapan, ranggo at desig­nation ang calling card.

“I am a Chief Superintendent (1 star rank) and not a Police Director  (2 stars). Alyzza Agustin is not my Executive Assistant and there is no such position in my office,” pahayag ni Ignacio.

Hindi rin niya kilala ang FHM model na si Agustin na ipinagmalaki pa sa kaniyang facebook account ang umano’y calling card na ibinigay ng heneral na siya niyang ginagamit para makalusot sa number coding.

Si Ignacio ay nasa isang official na mission matapos na dumalo sa ASEAN National Police Conference sa Malaysia.

Aminado naman ang heneral na namimigay siya ng calling card sa mga humihiling nito pero hindi para gamitin sa paglabag sa batas.

Nakiusap din si Ignacio sa netizens na huwag munang manghusga sa pamamagitan ng pagbatikos sa social networking site kung hindi pa naman aniya nabeberipika ang mga kaganapan.

Kamakalawa ay na­ging trending sa social networking sites ang nasabing ipinoste ni Agustin at maraming netizens ang nagbigay ng kanilang komento ng pagbatikos.

“PLS ASSIST MY EA, ALYZZA AGUSTIN” ang nakasaad sa calling card na pirmado umano ni Ignacio.

Samantala, humingi na ng tawad si Agustin kay Ignacio at sa pamilya nito sa kanyang facebook account.

“ I would like to apologize to everyone who was affected  by my post, fellow moto­rist, Director Alexander C. Ignacio, and his fa­mily and the PNP Institution as a  whole. I  was just overwhelmed by that moment  because I was caught in traffic for hours  coming from my work. I would  like to make it a point  that I do not know Director Ale­xander C. Ignacio personally.” Sinabi naman ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor sa lahat ng mga opisyal at tauhan ng PNP na mag-ingat sa pagbibigay ng cal­ling card para hindi ito magamit sa masama o anumang illegal na gawain.

AGUSTIN

ALEXANDER IGNACIO

ALYZZA AGUSTIN

CARD

CHIEF SUPERINTENDENT

EXECUTIVE ASSISTANT

IGNACIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with