Anak ng Masbate ex-vice governor itinumba, gunman patay din

MANILA, Philippines - Isang anak ng dating Masbate  vice governor ang binaril at napatay habang ang gunman ay napatay din nang saksakin ng kasama ng una kamakalawa ng gabi sa Masbate City.

Ang nasawi ay kinilalang si Enrico Amante Legaspi IV, anak ni dating Masbate Gov. Enrico Amante Legaspi III.

 Ayon kay  Supt. Carl Michael Reyes, Officer in Charge ng Masbate Provincial Police Office (PPO), dakong ala-1:50 ng madaling-araw ay umiinom ang biktima kasama ang mga kaibigan at kaanak sa Hum Cap Resto Bar  sa kahabaan ng Quezon Avenue St., Brgy. F. Magallanes ng lungsod nang sumulpot ang suspek na kinilalang si Arnel Layson, 34, ng Brgy. Valencia, Quezon City at tubong Aroroy, Masbate at pinagbabaril ito.

Isang hindi kilalang lalaki na posibleng kasama ng biktima ang dumaluhong ng saksak sa suspek na agad na ikinasawi nito.

 

Show comments