Ama ginising ang anak para maglaba, sinaksak
MANILA, Philippines - Tila naalimpungatan sa mahimbing na pagtulog ang isang 18-anyos na binata nang saksakin nito ng dalawang beses ang ama na nanggigising sa kanya para maglaba naganap sa Pasig City.
Nasa kritikal na kondisyon sa Rizal Medical Center (RMC) ang biktima na nakilalang si Arturo Sosa, 59, ng Block 2, Lot 23, Benedict St., Barangay Kalawaan, Pasig City.
Ang suspek na nakakulong na sa Pasig City Lock-up Jail ay kinilalang si Paolo Sosa, 18, motorcycle designer.
Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon ay mahimbing na natutulog ang suspek nang gisingin ng kanyang ama para utusan na maglaba ng kanilang damit.
Naalimpungatan ang suspek sa biglaang pagising sa kanya at sa inis ay sinaksak niya ang ama.
- Latest