Parak napatay ng NPA

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng PNP-Special Action Force (PNP-SAF)  ang napatay matapos makaengkuwentro ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si PO3 Eusebio Taru na nasapul ng bala sa kasagsagan ng bakbakan.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng hapon nang makasagupa ng 1st Special Action Battalion ng PNP-SAF ang mga rebeldeng NPA sa Brgy. Bangayan sa bayan ng Kitcharao.

Nagkaroon ng 15 minutong palitan ng pu­tok sa pagitan ng magka­bilang panig.

 

Show comments