Pader sa pagitan ng 2 iskul, gumuho

MANILA, Philippines - Dahil sa malakas na hangin ay  gumuho ang perimeter wall sa pagitan ng Baesa Elementary School at Baesa High School sa Quezon City.

Sa salaysay ni Ginang Nimfa David, prinsipal ng Baesa HS, noong Sabado pa ng tanghali bumagsak ang pader na naghihiwalay sa dalawang eskwelahan.
Nabagsakan ang klasrum ng Grade 7 at nagkawasak-wasak ang salamin ng bintana kung kaya’t pansamantalang ipinasama sa ibang klase ang mga estudyante na umookupa sa naapektuhang klasrum.

Pinangangambahang madamay na rin ang iba pang klasrum dahil sa laki ng pader na maaaring tuluyan nang bumigay.

Duda na rin si David sa integridad ng pundasyon ng gusaling pampaaralan na maaaring humina na dahil sa matinding pagbabaha at paglambot ng lupa.

 

Show comments