^

Police Metro

Banggaan sa C-5: 2 todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang dalawang katao habang 5 pa ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng C-5 Road sakop ng Barangay Ugong, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Isang nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license sa pitaka nito na si Sonny Cristobal, 45, residente ng U29 Admiral Townhomes, South Admiral, Parañaque City, at isang Crisanto Boseo, 32 welder, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawi.

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Wilson Cristobal, 48, kapatid ni Sonny, ng Paltok St., Barangay Pansol, Balara, Quezon City; Melquiades Saringan, 35; Mary Claire Faune, 35; Jessie Faune, Jr., 35; at anak nitong si Sandra Yvonne Faune, 16, pawang residente ng U2007 L.E Mirage De Malate
Tower 2126 Malate, Manila.­

Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Unit (VTIU) ng Pasig City Police, bago nangyari ang banggaan dakong alas-8:30 ng gabi sa northbound lane ng C-5 Road/Ortigas Flyover, Barangay Ugong ay mabilis na umanong tinatahak ng Mitsubishi Pajero (XBR-512), sakay ang magkapatid na Cristobal, Saringan at ng hindi pa
kilalang biktima ang south direction nang mawalan ng kontrol ang driver nito sa manibela dahilan upang bumangga ang sasakyan sa poste ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa lakas ng impact ay pumakabila ito ng kalye na patu­ngong  northbound at bumangga sa papara­ting Toyota Fortuner Wagon, na may conduction sticker na YF-8451, na minamaneho ni Claire.

Namatay noon din si Sonny habang tumilapon naman palabas ng Pajero ang
biktimang si Boseo at namatay noon din.

 

ADMIRAL TOWNHOMES

BARANGAY PANSOL

BARANGAY UGONG

CRISANTO BOSEO

E MIRAGE DE MALATE

JESSIE FAUNE

MANILA ELECTRIC COMPANY

MARY CLAIRE FAUNE

MELQUIADES SARINGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with