MANILA, Philippines - Nagpalabas ng guidelines ang prodyuser ng mahigit 100 pontiff’s standees na ididisplay sa mga simbahan, paaralan at iba pang lugar na kung saan ay ipinagbabawal na mag-selfie ang mga tao hindi disente.
“INDECENT poses, vulgar dresses and anything that is disrespectful are not allowed when taking pictures with Pope Francis’ standee”.
Ayon kay Fr. Anton Pascual, pangulo ng church-run Radyo Veritas, na kahit sinumang indibidwal o grupo na nais mag-selfie sa standee ay dapat rumespeto.
“Fun is happiness. But making fun of the standee in bad faith is discouraged,” aniya pa. Nilinaw rin ni Pascual na ang mga pope standee ay maaari lamang ipamahagi sa mga church institutions.