9 sugatan sa GenSan blast
MANILA, Philippines - Isang bomba ang sumabog sa harapan ng General Santos City Hall na ikinasugat ng siyam katao kamakalawa ng gabi.
Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Sarah Alquiza, 18; Christian Paul Amimong, 20; Jay Magnanao, 17; Marlon Bajada, 23; John Michael Cayanes Abranilla, 17; James Ralph Abrea, 23; Geraldine Elon, 19, Sheena Mae Maquinda at Shiela, 6.
Sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi nang sumabog ang bomba na isang improvised explosive device (IED) sa harapan ng city hall sa tabi ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa plaza complex.
Sinisilip ng mga otoridad ang anggulong terorismo na kagagawan ng mga grupong kulang sa pansin.
Pinaniniwalaan naman na ang mga spoilers ng peace talks mula sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist Basit Usman ang nasa likod ng pagpapasabog.
- Latest