^

Police Metro

VP Binay ‘di ginawang caretaker... P-Noy nag-Europe at US

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang apat na bansa sa Europa para sa kanyang official visit.

Kagabi ay umalis ang  Pangulo kasama ang kanyang delegasyon at bibisitahin ang Spain, France, Germany at Belgium.

Pagkatapos ay dede­retso ang Pangulo sa Estados Unidos para dumalo sa United Nations Assembly kung saan ay inaasahang magsasalita tungkol sa Climate Change.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na kabilang sa kasama ni Pangulong Aquino ay sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario, kasama ang ilang negosyante.

Bandang alas-9:50 kagabi ng umalis ang dele­gasyon ni P-Noy lulan ng PAL flight 001 chartered flight patu­ngong Madrid, Spain.

Samantala sa pag-alis ng Pangulong Aquino ay hindi na naman nito ginawang caretaker si Vice-President Jejomar Binay.

Nagpaliwanag si De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte, na hindi na kailangan humirang pa ng caretaker ang gobyerno dahil para na ring nasa Pilipinas ang presidente bunsod ng mga gamit sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ayon pa kay Valte, magiging masusi ang pakikipag-ugnayan ng Pangulong Aquino sa kanyang maiiwang mga opisyal sa Pilipinas sa maraming pamamaraan tulad ng skype, email, cellphone, text messa­ging at ang itinalagang caretaker ay si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Kung maaalala ang ilang mga dating presidente ay kadalasang itinatalaga ang kanilang vice president bilang caretaker kung lumalabas ng bansa.

AGRICULTURE SEC

ALBERT DEL ROSARIO

AYON

CLIMATE CHANGE

ESTADOS UNIDOS

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

FOREIGN AFFAIRS SEC

HERMINIO COLOMA JR.

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with