2 recruitment agency, sinuspinde ng POEA
MANILA, Philippines - Dalawang recruitment agency ang sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos mapatunayan na nagsumite ang mga ito ng pekeng skills competency certificates ng household service workers (HSW) sa kanilang tanggapan.
Sinabi ni POEA administrator Hans Leo Cacdac, ang mga ahensyang Global Recruitment Connections-Ph Corporation at Excel Manpower Corporation ay nagsumite ng mga dokumento ng mga HSWs para iproseso, kabilang ang
mga Technical Education and Skills Development Authority-National Certificate HSWs (TESDA-NCII) certificates.
Kinakailangan ng mga HSWs ang mga naturang certificate kung nais ng mga ito na magtrabaho sa ibayong dagat.
Subalit, natuklasan ng evaluation officers ng POEA na peke ang mga NCII certificates na isinumite ng mga ahensya para sa kanilang mga
OFWs dahil wala itong mga security features.
Kinumpirma naman ng Manila District Office ng TESDA na peke nga ang mga dokumento, na malinaw na paglabag sa POEA Rules and Regulation.
- Latest