Most wanted utas sa shootout

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na lider ng grupo ng mga holdaper at itinuturing na number 3 most wanted criminal nang ito ay manlaban sa halip na sumuko habang nadakip ang apat na miyembro nito kabilang ang kanyang mga magulang kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang suspek ay kinilalang si Jeric De Asis, 23, binata, ng #2300 Interior, Tramo St., Barangay 64, lider ng isang grupo na ang modus operandi ay pang­hoholdap, droga at pagpatay.

Arestado ang mga tauhan nito kabilang ang kanyang magulang na sina Reynaldo De Asis, 53, may nakabinbing warrant of arrest sa probinsiya sa robbery with homicide at ina nito na si Susana De Asis, 52; Mark Louie Mendoza, 26; at  Gierall Gaytos Reyes, 29.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Interior Tramo St., malapit sa Taft Avenue, Barangay 64 ay sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspek upang arestuhin ito, subalit nanlaban ito at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Show comments