Anti-corruption group nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Ninoy sa Makati
MANILA, Philippines - Isang anti-corruption group ang nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. para sa ika-31 taong anibersaryo ng kamatayan nito bilang protesta at panawagan na isalba ang lungsod ng Makati laban sa katiwalian.
Pasado alas-11:00 ng umaga nang magtungo sa bantayog ni Ninoy sa panulukan ng Paseo De Roxas at Ayala Avenue sa Makati City ang grupong tumutuligsa sa administrasyon ng mga Binay at nakasaad sa placard ang mga katagang “SAVE Makati and STOP Corruption”.
Pinangunahan ni Atty. Renato Bondal, isa sa mga nagsampa ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman laban kina Vice President Jejomar Binay; Makati City Mayor Erwin “Junjun” Binay at ilang opisyal ng pamahalaang lokal dahil sa umano’y tongpats sa Makati Parking Building na umabot sa P2.7 bilyon.
- Latest