Kelot sinalvage

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki na sinalvage  ang natagpuan kahapon ng madaling-araw sa San Juan City.

Ang biktima ay inilarawan na nasa pagitan na edad 30-35, may taas na 5’2”, at katamtaman ang laki ng pangangatawan.

Nagtamo ang biktma ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang parte na nakatali ng nylon cord ang paa at kamay.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:48 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng isang sekyu na inakala nitong lasing lang sa  G. Soriano kanto ng Claudio Sts. Barangay Kabayanan.

Kaya’t nang lapitan ito ay nakita niya ang dugo nito sa katawan  at agad niyang inireport sa barangay.

Ayon sa pulisya na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at doon lang itinapon para iligaw ang imbestigasyon.

Show comments