Estudyante, binoga

MANILA, Philippines - Halos lumabas ang utak ng isang 25-anyos na estud­yante matapos na pagbabarilin ito ng ‘di kila­lang armadong lalaki sa Barangay Antipolo Sur, Lipa City Batangas, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Miguel Buendia, estudyante sa kolehiyo ay namatay habang ginagamot sa Lipa Medix Hospital bunsod ng tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 11:20 ng gabi habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng biglang pagbabarilin ng mga ‘di pa nakikilalang suspects.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima habang kinikilala rin ang mga suspects.

Show comments