MANILA, Philippines - Makakatanggap ng dagdag bayad ang mga manggagawa na pumasok sa trabaho noong Hulyo 27 at Hulyo 29.
Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, dapat lamang na makatanggap ng ‘extra pay’ ang mga manggagawa na pumasok ng holidays.
Batay sa labor pay rules, kapag regular holidays ang bawat manggagawa na magre-report sa trabaho ay makakatanggap ng double pay para sa unang walong oras sa kanilang trabaho habang makakatanggap ng 30% na dagdag kapag sumobra na sa walong oras.
Habang ang mga manggagawa na dapat naka-day off, subalit pumasok sa trabaho ay makakatanggap naman ng 230% na bayad sa loob ng walong oras habang dagdag na 30% sa sobra na oras.
Ang mga manggagawa naman na hindi magtratrabaho sa naturang mga araw ng holiday ay makakatanggap pa rin ng regular daily rate o arawang bayad.
Ayon pa sa DOLE, may karagdagang 30% sa kanilang regular daily pay ang mga manggagawa na papasok ngayong araw.
Idineklara ng Malacañang na isang special non-working holiday ang Hulyo 27 bilang paggunita sa ika-100th anniversary ng Iglesia Ni Cristo (INC) habang ang Hulyo 29 naman ay isang regular holiday ng Ramadam.