Mag-ingat sa herbal food supplement na hindi rehistrado-FDA
MANILA, Philippines - Nagbigay ng babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga unregistered herbal food supplement na ibinebenta online bilang food supplement.
Ayon kay FDA Acting Director Dr. Kenneth Hartigan-Go, panibagong advisory ang kanilang inilabas laban sa Sehat Badan, na isang herbal powdered at food supplement na gawa ng PJ Nylor Koneng sa Indonesia, matapos na patuloy ang pagbebenta nito sa Mindanao sa kabila ng pagbabawal dahil hindi ligtas na inumin.
Nagtataglay ng droga at positibo sa diclofenac sodium, ibuprofen at paracetamol na nabibili lamang sa mga grocery stores, malls, at street vendors.
Nakasaad sa FDA advisory 2014-006 noong January 15, 2014 na hindi na maaaring ibenta ang Sehat Badan dahil na rin sa mga paglabag nito.
Kabilang na dito ang kawalan ng english translation sa label na paglabag sa Administrative Order 88-B. Series of 1984 (DOH-BFAD).
Ibinebenta din ang Sehat Badan sa merkado bilang herbal drink kung saan nakapagpapagaling umano ng asthma, urinary stones, allergy, impotence, rheumatism, toothache at ulcer na hindi naman aprubado ng FDA.
- Latest