BI may 173 bakanteng posisyon
MANILA, Philippines - Nasa 173 bakanteng posisyon ang bukas sa mga kuwalipikadong aplikante sa Bureau of Immigration (BI).
Ito ang inihayag ni Commissioner Siegfred B. Mison nang isagawa ang rationalization plan sa ilalim ng Department of Justice, habang ang ibang posisyon naman ay nabakante dahil sa retirement, resignation o dismissal sa serbisyo ng mga empleyado.
Isa pang magandang balita aniya ni Mison ay hindi na nangangailangan ng experience ang 105 na posisyon dito.
Maaaring makita ang listahan ng mga posisyon sa BI website sa www.immigration.gov.ph/index.php/information/job-opportunities.
Kailangan na sumailalim sa screening ang bawat aplikante upang malaman ang kakayahan at kuwalipikasyon.
Lumilitaw na sa BI management information systems division, nangangailangan sila ng information technology officers, information systems analyst,computer maintenance technologist, computer programmer at administrative aide.
Sinabi naman ni Atty. Liza Julie Madera, acting chief ng BI personnel section, kailangan din nila ngayon ng translator, legal aide, fingerprint examiner, at several administrative aides.
Ang aplikante dito ay dapat na bachelor’s degree, hours of training, at career service eligibility.
- Latest