^

Police Metro

Waitress ginahasa ng dating ka-live-in

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinakip ng pulisya ang isang 29-anyos na lalaki dahil sa umano’y panggagahasa nito sa dati niyang live-in partner, kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.

 Nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa ang suspect na si Neil Andres ng Gov. Pascual Street, Brgy. San Jose, ng naturang lungsod nang ireklamo sa pulisya ng kanyang dating ka-live-in partner na itinago sa pangalang “Jane”.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente  dakong  ala-1 ng  madaling-araw sa inuupahang kuwarto sa Int. Gonzales st., Brgy. San Jose, nang maramdaman niyang may humihimas sa kanyang kaselanan. Bunsod nito’y tinangka niyang manlaban sa suspect ngunit mas nagawa pa rin nito ang nasabing panggagahasa. Matapos ang panggagahasa ay ang suspect pa umano ang nagbukas ng ilaw ng silid kaya nakilala nito ang suspect.

  Galit na kinompronta umano niya si Andres ngunit tila bingi ito sa kanyang hinanakit at basta na lamang umalis.  Dito na nagpasya si Jane na magreklamo sa pulisya.

 Ayon pa sa biktima, nagpasya siyang maki­paghiwalay sa kinakasama dahil sa pagiging labis na seloso nito at palagi nilang pag-aaway dahil sa trabaho niyang bilang waitress.

 

ANDRES

AYON

BRGY

BUNSOD

NAVOTAS CITY

NEIL ANDRES

PASCUAL STREET

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with