^

Police Metro

4 pulis na bihag ng NPA, prisoners of war na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginawang prisoners of war (POW) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang apat na pulis na kanilang binihag nang atakihin nila ang Alegria Municipal Police Station (MPS) noong Huwebes ng hapon sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga bihag na sina PO3 Vic Concon, PO1s Rey Morales, Joen Zabala at Edito Roquino; pawang kasapi ng Alegria Municipal Police Station (MPS).

Kasalukuyan ay wala pang natatanggap na demand mula sa grupo ng mga rebeldeng bumihag sa apat na mga pulis.

Magugunita na inatake noong Huwebes ng mga NPA ang Alegria MPS na kung saan ay  tatlong rebelde ang na­patay, dalawang pulis ang nasugatan na sina PO2s Romero Dagsa at Reuben  Salino at nabihag ang nabanggit na apat na pulis habang nakatangay rin ng anim na mga armas ang mga rebelde mula sa nakubkob na himpilan.

 

vuukle comment

ALEGRIA MUNICIPAL POLICE STATION

EDITO ROQUINO

HUWEBES

JOEN ZABALA

NEW PEOPLE

REY MORALES

ROMERO DAGSA

VIC CONCON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with