Bangkay sa balikbayan box

MANILA, Philippines - May mga saksak at pananakal sa leeg ang natagpuang bangkay ng isang lalaki na nakasilid sa isang balikbayan box sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Natagpuan ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang balikbayan box matapos itapon sa Barangay Sto. Domingo, ganap na alas-10:00 ng gabi

Inilarawan ang bangkay sa taas na 5’3”, nasa pagitan ng 40 hanggang to 45 anyos, mahaba na kulot ang buhok, nakasuot ng puting sando at checkered na shorts. May tattoo na dragon sa kaliwang balikat at pangalang “Cholo Villarin” sa likod at pawang nakagapos ang mga kamay at paa ng packaging tape.

Ayon sa pulisya, na ang kahon ay itinapon sa may panulukan ng Tirad Pass at Biak na Bato Sts..

Show comments