^

Police Metro

Extended visiting hours nina Bong at Jinggoy, iimbestigahan

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magbigay ng paliwanag ang hepe ng PNP Custodial Center matapos na lumagpas sa oras ang visiting hours na itinakda para sa pa­milya at mga kaibigan nina Senador Ramon  Revilla Jr. at Jinggoy Estrada sa Camp Crame.

 Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng PNP-Public Information Office (PNP-PIO), hinihingan ng paliwanag ni Headquarters Support Service P/Chief Supt. Benito Estipona  si Supt. Mario Malana, hepe ng nasabing detention facility.

Nakarating na sa kabatiran ni Estipona ang nasabing ulat at ipinatawag na nito si Malana hinggil sa nasabing isyu.

Ang visiting hours para kina Revilla at Jinggoy ay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon tuwing Huwebes at Linggo, gayunman noong Linggo ay inabot pa ng ala-1:00 ng madaling araw kinabukasan ang mga bisita ng dalawang senador mula sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Bumaha rin  ng masasarap na pagkain tulad ng litson at iba pa na dinala ng kanilang mga bisita sa selda nina Revilla at Jinggoy para pagsaluhan.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda na suportado nila ang imbestigasyon ng extended visiting hours ng dalawang senador na nahaharap sa plunder case.

 

AYON

BENITO ESTIPONA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CUSTODIAL CENTER

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE P

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

LINGGO

MARIO MALANA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with