^

Police Metro

Jinggoy nagreklamo sa sobrang init sa selda

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang pagre­reklamo ni Senador Bong Revilla sa sobrang init sa kanyang selda sa PNP Custodial Center nang siya ay ikulong doon matapos na sumuko noong nakaraang linggo ay sumunod na rin na nagreklamo si Senador Jinggoy Estrada. 

Nabatid na hindi umano makatulog sa unang gabi sa kanyang selda si Estrada at dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang dalawin ng antok at alas-8:30 ng umaga kahapon nang ito ay nakagising.

Una nang sinabi ni Manila Mayor Erap Estrada na hihilingin nila sa korte na pakabitan ng aircon ang selda ni Jinggoy at kahit siya na mismo ang sumagot sa bill ng kuryente.

Nabatid naman kay Atty. Alexis Abasdillas–Suarez, legal counsel ni Jinggoy  na dingding lang ang pagitan sa selda ng kaniyang kliyente at ni Revilla sa PNP Custodial Center.

Si Jinggoy ay sumuko nitong Lunes matapos namang magpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa kaso nitong plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.

vuukle comment

ALEXIS ABASDILLAS

CUSTODIAL CENTER

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

MATAPOS

NABATID

SENADOR BONG REVILLA

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SI JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with