Helper, pisak sa 2 backhoe

MANILA, Philippines - Pisak ang katawan ng isang helper makaraang maipit sa dalawang backhoe machines sa Velenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Rexiel Bono, 21-anyos, empleyado ng Good Morning International Corporation na may bodega sa may ITC Road, Brgy. Canumay East, sa lungsod.

 Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-9:00 ng umaga, minamaniobra ni Bono ang isang backoe machine ng bumukas ang pinto sa bodega. Bumaba ito upang isara, habang naiwan na umaandar ang makina ng backhoe.

 Nabatid na umikot ang backhoe hanggang sa mahagip ang biktima.  Diretsong sumalpok ang backhoe sa isa pang nakaparadang backhoe hanggang sa tuluyang maipit ang biktima.

Tila na-sandwich ang katawan ng biktima sa dalawang makina at natagalan bago natanggal sa pagkakaipit kaya patay na ito bago pa man madala sa pagamutan.

 Inaalam pa ng mga imbestigador kung may pananagutan sa naturang insidente ang pamunuan ng naturang kompanya.

Show comments